Add parallel Print Page Options

Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.

Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel

Sinabi (A) ba ito ng Diyos kailanman kahit kaninong anghel,

“Ikaw ang aking Anak,
    naging Ama mo ako ngayon”?

o kaya nama'y,

“Ako'y magiging Ama niya,
    at siya'y magiging Anak ko”?

At muli, (B) nang kanyang isinugo sa daigdig ang kanyang panganay na Anak ay sinabi niya,

“Sumamba kayo sa kanya, kayong mga anghel ng Diyos.”

Read full chapter